Inspiring and Informing Filipino Mommies whoever they are, whatever they do, and wherever they may be.

Friday, April 27, 2018

Mommy Shiela Brinosa: From Sales Coach to Wellness Coach


Moms would always want the best for their children. But what if "what is best" means giving up a successful corporate career? Will you give it all up? Today's featured Mommy did that - and even more!


For Mommy Sheila Brinosa of San Pablo City, Laguna, giving up her corporate career was one of the best decisions she ever made. Working for different multinational companies and climbing up the corporate ladder was her life for over a decade, but even from all the recognition she had while working for corporate giants, she realized that there is something more. And that's what she will share with us today.

Hi Mommy Sheila, please tell us about how your kids.

I have two wonderful kids. Kurt Matthew who is 15 years old, and Ursula Nicole who is 12 years old. I may say sila ay typical na makukulit at magugulong bata. Madalas di magkasundo kasi magkaiba ang hilig nilang gawin. Minsan pasaway, moody at mahirap utusan sa gawaing bahay. Ganyan ata ngayon ang kabataan. Pero alam mo ang pinaka gusto ko sa kanila, pareho silang sweet at mapagmahal na anak. Yung tipong minsan masakit ang likod mo, nandyan sila hihilutin ka, minsan naman gagawa sila ng card o ano mang artwork na may message na tipong di mo napapansin habang binabasa mo yung message may luha ka na pala, kasi super na touch ka. Ang sarap ng feeling ng isang ina, na tinitingnan mo sila habang sarap na sarap sa niluto mong ulam. I ha hug ka at ikikiss sabay sabing lutuin mo ulit to mommy ha. Sila din yung tipo ng bata na di masyadong magastos. In fact, di sila mahilig sa mamahaling bagay (na damit at sapatos). Sa edad nila ngayon conscious na sila price ng bawat bibilhin nilang items. Lagi ko kasing sinasabi sa kanila na may budget lang kaming sinusunod kaya di pwedeng mag exceed or else mangungutang na kami sa kapitbahay. E ayaw nila yun kaya ayun nasanay na di masyado nag papabili. Sa personality naman, naku totally mag kaiba, si Kurt medyo suplado ng kaunti kasi mahiyain at mas enjoy sa bahay , mahilig mag basa ng mga fiction books at mag internet. Si Nicole naman medyo out going, mahilig sa sports like basketball and badminton and she is also friendly.

Mommy Sheila is a proud mom of two practical and sweet kids, Kurt Matthew and Ursula Nicole.
Tell us about them growing up. And how are you as a mother to them?

Right now, nasa adjustment period pa rin ako sa kanila pag dating sa transition ng from bata na dati sunod lang ng sunod sayo ngayon iba na, may sarili na silang desisyon sa mga bagay bagay. Kung nung bata ayaw ka nila payagan umalis kung di sila kasama ngayon open na sila sa mga line up ng schedules ko. Masyado akong attached sa mga anak ko kasi dadalawa naman yan kaya talagang ingat na ingat ako sa kanila. Lalo na kay Kurt kasi may mga kaibigan na nag yayaya kung saan-saan, like malling, swimming, jogging etc. Before ko payagan katakot takot na bilin ko sa kanya pati sa mga kaibigan nya. Yung tipong lagi ako nag papaupdate sa kanya kung nasaan na sya para secure ako na safe sya. Minsan nga nasasabihang Over protective MOM pero okay lang kasi yun ako eh. Si Nicole naman sa ngayon mas gusto pa rin nya ang sumasama sa aking mga lakad. Medyo isip bata pa rin sya. Tinanong ko nga sya kung sa Grade 7 'di na sya mag papahatid sundo sa akin eh. Sabi nya ganon pa din daw- hatid at sundo pa rin. Ako as a mother, I'm willing to sacrifice my career for my kids. I want to serve them as much as I could kasi pag matanda na ko di ko na sila kayang pag silbihan. Gusto ko lahat ng milestones nila masundan ko. Kaya kahit anong busy ko sa work ako pa rin nag aasikaso sa kanila, nag aattend sa different events sa school. Wala kasi daddy nila nag wowork sa barko kaya talagang dapat lagi akong nandyan for them.

Mommy Sheila is still adjusting with her kids transition from being "children" to becoming "teenagers".

How were you able to balance your corporate career while taking care of them?

It was really hard to balance both, talagang minsan nag sa suffer. Minsan may mga sabay na schedules sa office at school events ng mga bata. Dyan na pumapasok ang support system ng family. Buti nandyan ang mahal kong mga magulang, na handang sumalo sa mga schedules na 'di talaga ako pwede like kapag may conventions in and out of the country, meetings and presentations sa big clients. Good thing kung local trip lang at natapat ng weekend ang event ko, for sure kasama ko sila, bonding time na din namin yun. Basta lagi ko kasama yung wonderful assistant kong si Ate Juvy. Habang nag wowork ako dun sa event  nandun naman sya nag babantay sa kids. Kaya dapat talaga mahalin natin ang ating mga yaya kasi sila nandyan handang umalalay sayo sa lahat ng bagay. Kung walang support system sa life ko naku baka di ko na kinaya lahat . Of course may pressure sa work and at the same time pressure sa family life lalo na wala ang aking mahal na asawa sa tabi ko. Lagi ko din ineexplain to our kids that we need to work for our future. Kaya sila tanggap nila na they have busy parents at nakikita naman nila na kahit busy ako hangga't kaya iadjust schedule ginagawa ko. Kaya alam nila na kapag nawala ako sa event nila it means di ko naimove or sobrang importante ng gagawin ko sa office kaya di ako nakapunta. Its just a matter of explaining to your kids the real scenario. Make them feel na sila talaga ang importante sa buhay mo.   

Mommy Sheila and her long time assistant, Juvy

You’ve worked for many years in a corporate setting, why did you quit it to become a wellness coach? 

That’s a good question, Bakit nga ba?..
Kapag mataas na ang position  mo sa company parang ang  hirap na iwanan. Lalo na at maganda ang compensation plan, pa kotse, pa gasolina, reimbursable ang meals, free Trip abroad every year US and Asian countries. Ang hirap talaga, kaya matagal ko bago napag desisyunan ang aking pag iwan sa corporate world, masaya at glamorous kasi . I have learned so many things sa corporate world, sino ba naman ako. Isa lang po akong simpleng probinsyana na taga San Pablo, Laguna 'di ko akalain na makakapagtrabaho sa pinakasosyal na lugar sa Manila. Akalain mo naging Makati Girl ako!
Mommy Sheila is a loving wife to a seafarer.
Nung panahon ko kapag dyan ka nag wowork belong ka sa mga Elite. Na kapag tinanong ang anak mo san nag wowork ang Mommy mo sabihin nila sa Makati po. Sasabihin nila "Aba ibang level pala ang Mommy ni Kurt at ni Nicole ah!" But the thing is, dumating ang time na talagang pabigat na ng pabigat ang responsibilities ko sa company lalo nung napromote ulit ako tapos lumalaki na din ma bata medyo iba na ang needs nila. Nahati talaga isip ko. Ano ba talaga pipiliin ko: Career or Family?Syempre bilang ina mas priority ko family ko lalo na OFW husband ko, dapat may isang gagabay sa mga anak ko. To tell you the truth tinanong ko mga anak ko, mga anak ano mas gusto nya mag work pa rin si mommy or sa house na lang muna ako at alagaan ko kayo. Nag sigawan sila sa tuwa sabi nila better daw na kasama nila ako . Di naman daw sila mag papabili ng kung ano ano kaya kahit wala akong work, okay lang. Syempre bago ang final decision eh nag sabi muna ako sa ever supportive husband. Kasi syempre mag iisa na sya sa pag wowork para sa pamilya. Pinag usapan namin kasi malaking adjustment to para sa aming lahat. Ibinalik nya ang tanong sa akin. Are you willing to give up your career? Sabi ko para sa mga anak mo at sayo, OO! Sa madaling salita , plain housewife ang PEG ko! Napansin ko na lang isang araw parang pataba na ko ng pataba. Yung mga damit ko di na kasya sa akin pati wedding ring namin di na kasya sa daliri ko!!! Sabi ko sa sarili ko, teka di ako pwedeng makita ng asawa ko pag uwi na mukhang nalosyang na ewan! From glamorous look naging losyang look! OMG! I need to do something. That's the time nakilala ko ang Herbalife. Nagtake ako ng 10 Day weight loss program nila. I was so amazed kasi in 10 days nag lose ako ng 7 pounds! Ang hirap gawin nun pero sa Herbalife products nagawa ko. Dun na nagsimula na maging love yung products. Then nag attend ako ng seminars for members and I decided to become a member to avail discounts. Pero nun marami ng nag ask, what did I do and want to avail the products dun na ko nag simula na mag try maging wellness coach. With proper training naman madali lang gawin. The best thing is that 50% ko nabibili  ang products kasi supervisor na ako. Gumaganda na ang katawan ko kumita pa ako at maraming natutuwa sa akin at nag papasalamat kasi nag improved din pakiramdam nila just like me. I am happy to serve people. At naniniwala ako " A Healthy Body is a Happy Body". Iniisip ko din since registered nurse naman ako in line din naman ang pagiging wellness coach ko.



Wow, you are blessed to have that opportunity, and hindi lang corporate career ang ginive up mo, even the fats! Seriously, sobrang naging blessing pala ng pag give up nyo sa corporate career nyo.

What can you advise moms who want to leave the corporate jungle to pursue their passions? Is it really worth it?


Do not be afraid to try something new. Sometimes talaga, takot tayo mag umpisa ulit kasi gusto natin lagi tayo sa sa comfort zone . Ayaw na nating masyado mapagod, natatakot din tayong mag fail. Pero ang masasabi ko lang sa mga readers natin, Do not be afraid. Assess nyo kung ano yung hilig nyo at nag eenjoy kayo para yung ginagawa nyo parang di sya work. In addition, dito sa pagiging wellness coach ko ikaw mag dedefine ng oras mo sa negosyo mo. In other words, mas may time ako sa mga anak ko at sa sarili ko. Ako kasi gumagawa ng schedules ko. I want to be productive everyday kaya nakasulat lahat ng line up of activities ko para wala makalimutan. Ang kaibahan sa corporate job ko, sure ako na may salary ako every 15th and 30th. Dito sa work ko now ikaw ang mag dedecide kung how much ang gusto mo income. Kasi depende lahat sa sipag mo ang salary mo. The more na marami kang events the more na malaki ang income mo. Kasi marami bibili ng products mo.
Maaring di pa napapantayan ng present income ko yung dati kong trabaho pero ang masasabi ko lang eh laking ginhawa ko ngayon. Bakit? Less ang pressure, may oras ako sa lahat ng bagay especially sa family ko at higit sa lahat nakakatulong ako sa kapwa ko. Ang sarap ng feeling na yung mga clients mo abot abot ang pasasalamat kasi they feel better. Different walks of life din mga clients ko: merong mga professionals, mga simpleng mamamayan na nagtitinda sa palengke, meron din mga bagets, meron din mga seniors. Lahat sila pinag sama sama sa iisang lugar (sa Nutrition Club ko) kaya happy talaga silang lahat. In fact sa Nutrition club ko bawal ang HUGOT dapat good vibes lagi para mas mamotivate kaming lahat. And if you will ask me kung worth it? It's a BIG YES! I may not be earning na kasing laki ng dati kong salary pero I am positive with what I am doing right now maaring malampasan pa ang income ko yung previous work ko. Di lang yun, yung dumami ang kaibigan mo at mas naging FREE ka sa lahat ng bagay. Pak na Pak na yun!



Is giving up a corporate career worth it? Mommy Sheila says, yes! And she even gets to do what she love at her own pace and time!

Thank you for that Mommy Sheila, you really are a dedicated mommy. You have given advise to mommies regarding their career decision, what advise can you give to moms who are struggling to balance work and career?

Be ready! You need to have a Healthy Body to do all your functions. Kasi tayong mga mommies nakatadhana na maraming ginagampanan sa buhay. Kapag napabayaan mo alin man sa mga ito , may bad effects sa buhay natin. At ang isa ko pang advise eh wag namang pabayaan ang sarili. Minsan kasi sa sobrang pag aasikaso sa mga mahal sa buhay napapabayaan na pati sariling katawan. Yung tipong nakakalimutan ng mag suklay at mag paganda kasi ang reason nila sa bahay lang sila. At eto pa ang ending, lahat ng tira ng anak nila sila kumakain kaya ayun di namamalayan lumalaki na pala sila! Imagine di na kakapag suklay, 'di nakapag paganda eh may sobrang timbang pa.
In addition, alam mo as per my analysis, proud din naman mga kids natin kapag nakikita nila na maayos ka bilang ina. Yung kapag aattend ka ng meeting sa school presentable ka. Di ko sinasabi na bumili ka ng mga mamahaling damit, basta bagay sayo oks na yun. Minsan din mag basa ka ng mga articles at books para naman kapag may tinanong ang anak mo may pwede ka ishare na information sa kanila.

Being a mommy should never be an excuse to look good and feel good according to Mommy Sheila.

Wow, that is very encouraging. How is life different now that you are a wellness coach? 

As I have mentioned earlier, it's totally different when it comes to compensation kasi today 'di na limited ang income ko. Ako na ang mag dedefine kung how much income gusto ko. Sa job description naman pareho, kasi majority pakikitungo sa mga clients just like my corporate life.
As wellness coach you should be more disciplined pag dating sa intake ng food. Dapat inaaral mo din anong strategy ang ipapagawa mo sa client para maachieve nya ang weight goal.

Yes, we saw your before and after pics, how were able to achieve weight loss while taking care of your children? It must be challenging!

Its a process na dinaanan ko. Ang hirap pag labanan ng masarap na nakahain na pagkain kapag kasama ang mga anak ko. The thing is I requested them to change our breakfast and they supported me for that. Lahat kami sa umaga breakfast namin ay shake! Sabi ko nga sa kanila instead of eating carbo loaded breakfast eh eto na lang shake kasi its a Nutrient Densed Packed Meal and its a perfect meal replacement for active individuals just like us. Ayun mukha namang naconvince ko sila. Minsan hinahayaan ko din silang kumain ng regular breakfast pero kadalasan shake lang lalo at nagmamadali kami lagi sa umaga. Now they accepted already na talagang priority sa breakfast ang shake.

A healthy family: Mommy Sheila has also influenced her kids to eat healthy.

That’s really inspiring! Lastly, a mommy needs to hang out sometime and spend time for herself, where do you usually hangout or tambay?

Dance Studio, Parlor and SPA. We are promoting 80% Nutrition 20% Exercise. Kaya kapag kaya ng oras may 1 hour akong Zumba session with friends. Pawis to the max kami . Iba kasi ang energy kapag maganda ang blood flow sa katawan pati mood laging maganda at happy. Minsan naman feel ko mag paayos ng buhok, manicure at pedicure kaya di ko rin nakakalimutang ang parlor and lastly eh massage. Iba kasi ang relaxation hapag hinihilot ka parang sobrang relax ng mind and body mo.

Mommy Sheila with her Nutrition Club group.

We totally agree, Mommy Sheila! And thank you for spending you time with us here at the Tambayan. We are sure maraming mga mommies na nahihirapan magdesisyon ay maiinspire nyo, kaya thank you uli. Being a mother really should be the higher priority over any career! And when all goes well in a Mom's life, everything follows.

Thank you din for this opportunity to share my story with other mommies. If may mahirap tayo na decision, isip lang natin palagi, para kanino yung decision na yun and everything will go well, and better than expected.

Mommy Sheila is a perfect example of what it means to give up everything for motherhood. She may have spent some years at the beginning but her love for her children prevailed and has made the best decision to choose family over any other priorities. Being a wellness coach, she is able to focus more on taking care of her family while doing what she loves - coaching about health.

Mommy's Tambayan thanks Mommy Sheila Brinosa for giving us the opportunity to give inspiration to other moms. This weekend, Mommy Sheila is inviting moms for the one-can-challenge to be held in Joyful Restaurant San Pablo City. 

For wellness consultation, you may contact Mommy Sheila through Facebook Messenger.




No comments:

Post a Comment

Your comments are welcome!

blogger